Advertisement

Responsive Advertisement

VIRAL BILLION-DOLLAR CEO NA NAHULI SA AKTO SA COLDPLAY CONCERT — NAG-RESIGN NA

Linggo, Hulyo 20, 2025

 



Isang simpleng gabi ng musika at kasiyahan sana sa concert ng Coldplay ang nauwi sa career-ending scandal para sa isang kilalang tech executive. Si Andy Byron, 50 taong gulang, CEO at co-founder ng billion-dollar data company na Astronomer, ay nag-resign matapos siyang makita sa jumbotron ng Gillette Stadium sa Massachusetts noong Hulyo 16, 2025, habang kayakap ang kanyang empleyado na si Kristin Cabot, na siya ring HR head ng kumpanya.


"I would like to sincerely apologize to everyone affected by this incident. As a leader, I should have been a model of proper conduct, and I failed in that regard. I have no one else to blame but myself. It is time for me to face my shortcomings and work to regain the trust of those who once believed in me." -Andy Byron


Ang viral video ay kuha mula sa concert ng Coldplay, kung saan ang kanilang kantang "Fix You" ay tumutugtog habang ipinakita ng kiss cam ang tila sweet moment ng magka-akbay na sina Byron at Cabot. Ngunit hindi naging sweet ang sumunod na nangyari, lalo na’t kapwa may-asawa ang dalawa.


Pagkatapos ng concert, mabilis na nag-viral ang video sa social media. Umani ito ng milyon-milyong views at reaksyon, kabilang na ang mga tanong ukol sa workplace ethics, power dynamics, at infidelity. Maraming netizens ang nagtaka kung paano nagkataong ang isang HR head ay involved sa romantikong tagpo sa kanyang CEO  bagay na sensitibo lalo na sa mga corporate setup.


Sa isang opisyal na statement mula sa Board of Directors ng Astronomer, kinumpirma ang pagbibitiw ni Byron:


“Our leaders are expected to set the standard in both conduct and accountability, and recently, that standard was not met. Andy Byron has tendered his resignation, and the Board has accepted it.”


Kasalukuyang pansamantalang namumuno ang Co-founder at Chief Product Officer na si Pete DeJoy habang naghahanap ng bagong CEO.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento