Hindi napigilan ni House Speaker Bodjie Dy ang maging emosyonal habang tinatalakay ang umano’y mabagal na pag-release ng pondo mula sa Department of Budget and Management (DBM). Sa kanyang pahayag, iginiit niya na ang delay sa pondo ay may direktang epekto sa implementasyon ng mga programa at proyekto ng pamahalaan.
“Ayusin n’yo ang trabaho,” ani Dy, sabay-diin na hindi dapat maantala ang mga serbisyong inaasahan ng taumbayan dahil sa proseso sa loob ng ahensya.
Ayon sa Speaker, ang mabagal na paglabas ng pondo ay maaaring magdulot ng pagkaantala sa mga proyekto sa imprastraktura, social services, at iba pang programang nakalaan para sa kapakanan ng mamamayan. Para sa kanya, ang bawat araw na delay ay may katumbas na epekto sa mga komunidad na umaasa sa tulong ng gobyerno.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento