Advertisement

Responsive Advertisement

"WALA PANG PROBLEMA SA SUPLAY NG LANGIS" PANGULONG MARCOS MAHIGPIT NA BINABANTAYAN TENSYON SA MIDDLE EAST

Huwebes, Marso 19, 2026

 



Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sa kasalukuyan ay wala pang problema ang bansa sa suplay ng langis. Ayon sa Pangulo, sapat pa ang reserba at hindi pa kinakailangang magpatupad ng agarang hakbang kaugnay ng emergency powers na inaprubahan ng Senado at Kamara.


Ang panukalang kapangyarihan ay magbibigay-daan sa Pangulo na suspendihin o tapyasan ang excise tax sa langis kung kinakailangan. Gayunman, sinabi ni Marcos na kinakalkula pa ng pamahalaan kung kailan ito nararapat gamitin.


Ipinaliwanag ng Pangulo na patuloy na inoobserbahan ng niya ang girian sa Middle East, kabilang ang sitwasyon sa Strait of Hormuz, isang mahalagang daanan ng suplay ng langis sa buong mundo. Aniya, anumang pagbabago sa rehiyong ito ay maaaring makaapekto sa presyo at distribusyon ng langis sa pandaigdigang merkado.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento