Posible umanong hindi umusad o tuluyang mabasura ang reklamong inihain sa Senado kaugnay ng ilang buwang pag-absent ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa. Ito ang inihayag ni Sen. JV Ejercito, na nagsabing kailangang ibase ang anumang aksyon sa umiiral na alituntunin ng Senado.
Ayon kay Ejercito, kung walang malinaw na paglabag sa rules, mahirap umanong magpatupad ng parusa o magpataw ng kaukulang aksyon laban sa isang senador.
Binigyang-diin ni Ejercito na wala sa kasalukuyang patakaran ng Senado ang prinsipyo ng “no work, no pay.” Ibig sabihin, hindi awtomatikong nababawasan ang sahod ng isang senador dahil lamang sa pagliban kung ito ay hindi tahasang saklaw ng panuntunan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento