Habang libo-libong pamilya ang nananatili sa evacuation centers, walang kuryente, at lubog sa baha dahil sa malakas na pag-ulan dala ng Habagat, isang Facebook post ng content creator na si Zac Alviz ang umani ng matinding batikos mula sa netizens.
Sa nasabing post noong Hulyo 22, ibinahagi ni Alviz ang kanyang karanasan at pananaw sa umano’y “perks” ng pamumuhay sa condo tuwing may kalamidad.
“In moments like this, dun mo masasabi na worth it yung condo investments mo. Ang daming binabaha, may tulo sa kisame, lumilipad yung bubong… Pero pag high-quality condo, in most cases, sara mo lang bintana mo, okay ka na. Resume Netflix na ulit,” ani Alviz sa kanyang viral post.
Bagama’t para sa ilan ay practical advice ang dating ng kanyang mensahe, mas marami ang hindi natuwa sa kanyang timing at tono, lalo na’t kasalukuyang hinaharap ng maraming Pilipino ang hirap ng paglikas, pagkasira ng bahay, at pagkawala ng kabuhayan.
“I understand this post might not sit well with everyone, and that’s okay. But for others, it could be an eye opener.”
“This isn’t a dig at people who can’t afford or choose not to invest in condos. It’s simply a reminder to focus on what matters most to you.” -Zac Alviz
Marami ang naghayag ng pagkadismaya, na ang mensahe ay tila mayabang at walang pakialam sa dinaranas ng karamihan.
“Insensitive. Hindi lahat may condo. Hindi lahat kaya mag-invest. Timing din kasi,” ayon sa isang netizen.
“Nagpopost ka ng ganyan habang may mga batang nililikas at pamilya walang matulugan?” dagdag ng isa.
Maging si fitness coach at motivational speaker Rendon Labador ay nagpahayag ng kanyang pagkadismaya.
“Napaka-angas mo naman, edi ikaw na naka-condo. Sa susunod nga bago kayo mag-angas sa’kin siguro magpa-facial muna kayo,” ani Labador.
Sa kabila ng backlash, agad ding naglabas ng paglilinaw si Alviz:
“This isn’t a dig at people who can’t afford or choose not to invest in condos. It’s simply a reminder to focus on what matters most to you… While emotions and sympathy are valid, they don’t always solve real-life problems.”
Dagdag pa niya:
“I understand this post might not sit well with everyone, and that’s okay. But for others, it could be an eye opener.”
Sa panahon ng sakuna, mas importante ang empatiya kaysa opinyon, at ang timing ng mensahe ay kasinghalaga ng nilalaman nito. Bagama’t may punto si Zac Alviz tungkol sa pagiging praktikal at pag-iinvest para sa mas ligtas na tirahan, ang pagkaka-deliver ng mensahe sa gitna ng paghihirap ng marami ay tila naging malamig at walang pakialam sa realidad.
Ang social media ay isang makapangyarihang platform—pwedeng maging inspirasyon, pero pwedeng makasakit. Kaya’t sana’y mas maging maingat ang bawat isa sa pagbabahagi ng opinyon, lalo na sa mga panahong kailangan natin ang pagkakaisa, hindi pagyayabang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento