Sa gitna ng sunod-sunod na kalamidad na tumama sa bansa, nanawagan si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga Pilipino na baguhin ang kanilang pananaw mula sa pagiging reaksyonaryo tuwing may sakuna, tungo sa pagiging handa at maingat sa anumang panahon. Ayon sa Pangulo, ang epekto ng mga bagyo at iba pang weather disturbances ay hindi na maiiwasan.
“Ganito na tayo, ito na ang new normal,” ani Marcos, binibigyang-diin na dapat ay may pangmatagalang adaptasyon ang bawat Pilipino.
“Hindi na natin kayang pigilan ang lahat ng bagyo at sakuna, pero kaya nating bawasan ang pinsala kung tayo ay laging handa. Ang gobyerno ay patuloy na gumagawa ng hakbang para mas maging matatag ang ating bansa laban sa epekto ng klima.” -Pangulong Marcos
Ngunit, hindi nagustuhan ng maraming netizens ang kanyang pahayag, dahil para sa kanila, hindi sapat na sabihing tanggapin na lamang ang ganitong sitwasyon. Marami ang umaasang mas magiging aktibo ang administrasyon sa pagpapalakas ng disaster preparedness, flood control, at long-term solutions upang mabawasan ang pinsalang dulot ng mga bagyo at kalamidad.
Ayon sa mga kritiko, hindi dapat tumigil ang pamahalaan sa pagtutok sa long-term infrastructure projects, gaya ng mga drainage system improvements, disaster response programs, at paglalaan ng pondo sa climate adaptation projects.
Habang totoo na dapat tayong maghanda sa anumang kalamidad, mahalaga ring ang pamahalaan ay may malinaw na aksyon para sa pangmatagalang proteksyon ng mga Pilipino. Ang mensahe ng Pangulo ay naglalayong paalalahanan ang bawat isa na maghanda, ngunit hindi dapat dito magtapos ang usapan kailangan ng mas konkretong hakbang laban sa pinsala ng bagyo at epekto ng climate change.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento