Sa isang kamakailang YouTube vlog, hindi napigilan ni Yen Santos ang maging prangka sa pag-amin na labis na siyang nagsisisi sa kanyang nakaraang relasyon. Bagamat hindi niya binanggit ang pangalan, alam ng publiko na ito ay patungkol kay Paolo Contis, na matagal ding naging usap-usapan sa showbiz.
“And minsan, the most powerful thing you can do is walk away and set yourself free. Piliin mo ‘yung sarili mo talaga.” -Yen Santos
Sa vlog, tinanong siya tungkol sa huli niyang relasyon.
“Napakalaking blessing na natapos na ‘yon. Malaking blessing na nagising na ako dun sa nightmare na ‘yon at nag-walk away kasi hindi talaga worth it. It wasn’t worth wasting my time, my energy, sa someone na kino-control ka, mina-manipulate ka. That kind of life drains you and you lose yourself in the process.”
Idinagdag ni Yen na isa sa pinakamakapangyarihang hakbang na magagawa ng isang tao ay ang “lumayo at palayain ang sarili.”
“Piliin mo ‘yung sarili mo talaga. Sa una, kasi hindi naman ‘yan magpapakilala eh. The person I met in the beginning, that wasn’t really him. The one I saw in the end, ‘yun talaga siya.”
Ibinahagi rin niya ang kanyang napagtanto na hindi mo agad makikita ang tunay na pagkatao ng isang tao sa simula ng relasyon.
“Syempre sa una hindi naman 'yan magpapakilala ng totoong pagkatao nila eh kasi gagawin nila lahat para makuha ‘yung loob mo. Tapos kapag nakuha na, dun na lalabas ‘yung totoong kulay nila. Nahulog ako dun at naniwala ako sa mga pinakita nung una.”
Ayon kay Yen, natuto siyang tanggapin ang pagkakamali at mas pinili na ang sariling kapakanan.
“Kahit ga’no ko jina-justify dati na okay naman kami, masaya naman kami pero deep down, may nasasaktan sa maling choices mo at mali talaga. Para sa ‘kin, kapag ganun ka tinatrato, matatauhan ka talaga. At ngayon, mas maayos na ang takbo ng buhay ko.”
Ang kwento ni Yen Santos ay isang paalala sa lahat na hindi mali ang piliin ang sariling kaligayahan. Hindi dapat manatili ang sinuman sa isang relasyon kung ito ay puno ng pagod, kontrol, at panlilinlang. Sa halip, ang paglalakas-loob na lumayo ay tanda ng tunay na pagmamahal sa sarili.
Sa kanyang pag-amin, makikita ang pagbangon ni Yen mula sa sakit at pagkakamali—isang mensahe na maaari ring maging inspirasyon para sa mga taong nasa parehong sitwasyon. Minsan, ang paglayo ang unang hakbang para mahanap muli ang tunay na ikaw.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento