Mula sa pagiging low-pressure area (LPA), opisyal nang naging Tropical Depression Dante ang sama ng panahon na namataan sa silangang bahagi ng Aurora province nitong Martes ng hapon, ayon sa PAGASA.
“Bagama’t wala pang signal na itinaas, hindi dapat balewalain si Dante. Mas pinalalakas niya ang habagat na siyang nagdadala ng malalakas na ulan. Ugaliing makinig sa official weather updates.” -PAGASA
Si Bagyong Dante ay matatagpuan 1,115 kilometro silangan-hilagang silangan ng Central Luzon o 1,130 kilometro silangan ng Northern Luzon. Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras, taglay ang maximum sustained winds na 45 kph at bugso ng hangin na umaabot sa 55 kph.
Bagamat walang itinaas na Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) sa ngayon, pinalalakas ni Dante ang habagat (southwest monsoon) na nagdudulot ng malalakas na hangin at pag-ulan sa mga sumusunod na lugar: Zambales, Bataan, Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Visayas, at Dinagat Islands
Samantala, inaasahan ang matitinding pag-ulan sa:
Metro Manila
Bataan
Zambales
Cavite
Batangas
Laguna
Rizal
Occidental Mindoro
Benguet
Pangasinan
Tarlac
Pampanga
Bulacan
Habang paminsan-minsang ulan naman ang mararanasan sa:
Ilocos Region
Nueva Ecija
Quezon
Natitirang bahagi ng Mimaropa
Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Catanduanes, Masbate
Antique, Iloilo, Guimaras, at Negros Occidental
Babala ng PAGASA: Ang mga ulan na ito ay maaaring magdulot ng flash floods at landslide, lalo na sa mga mababang lugar at kabundukan. Kaya’t pinapayuhan ang publiko na maging alerto at mag-ingat, lalo na sa mga lugar na dati nang binabaha.
May posibilidad na lumakas si Dante bilang tropical storm pagsapit ng Miyerkules, at inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes o Biyernes.
Habang patuloy nating tinututukan si Bagyong Dante, mahalagang tandaan na hindi kailangan ng signal para maging alerto—dahil sa likod ng katahimikan ng bagyo, maaaring may hatid itong panganib sa pamamagitan ng malakas na ulan, baha, at pagguho ng lupa.
Ang paghahanda at pakikinig sa tamang impormasyon ang pinakamahalagang sandata natin sa panahon ng sakuna. Huwag balewalain ang babala, at laging maging handa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento