Sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) nitong Hulyo 22, 2025, muling humarap si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sambayanang Pilipino na may matatag na paninindigan: handa siyang isagad ang lahat ng lakas at kakayahan para sa kapakanan ng bayan sa nalalabing tatlong taon ng kanyang termino.
"Ibubuhos pa natin ang lahat-lahat. Hindi lamang upang mapantayan, kundi mahigitan pa ang pagbibigay-ginhawa sa ating mga kababayan." -PBBM
Sa loob ng mahigit isang oras at sampung minutong talumpati sa Batasang Pambansa, tinalakay ni Marcos ang mga tagumpay at hamon ng nakalipas na tatlong taon, at higit sa lahat — ang direksyong tatahakin ng bansa sa natitirang kalahati ng kanyang panunungkulan.
"Isantabi na natin ang ating pagkakaiba, at magkasundo na sa tatlong bagay na nagbibigkis sa atin: pagiging Pilipino, pagiging makabansa, at ang sinumpaang tungkulin sa taumbayan."
Sa bawat linyang binitiwan ni Pangulong Marcos, ramdam ang intensiyon niyang tapusin ang kanyang termino na may konkretong naiambag sa buhay ng karaniwang Pilipino. Hindi niya nais na maalala lamang sa talumpati, kundi sa totoong ginhawang nararamdaman sa tahanan, trabaho, paaralan, at kalye.
Ang hamon ngayon ay hindi lamang sa Pangulo, kundi sa lahat ng lingkod-bayan — na samahan siya sa pagbuhos ng lahat, para sa Pilipinas.
“Ang ating mga kababayan ang sukatan ng ating tagumpay. At kung sila’y patuloy pa ring naghihirap, hindi natin masasabing sapat na ang ating nagawa.” — Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento