Advertisement

Responsive Advertisement

BUNGA NG TULONG-EDUKASYON: DATING ISKOLAR NI KIKO PANGILINAN, NGAYON AY PRINCIPAL NG HIGH SCHOOL SA ILOILO

Lunes, Hulyo 28, 2025

 



Isang magandang halimbawa ng pagbabalik-serbisyo ang ipinamalas ni Melanie Tabaculde, dating iskolar ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, na ngayon ay Principal ng Jaro National High School sa Iloilo.


“Kung wala ang scholarship na ibinigay sa akin, baka hindi ko narating ang ganitong posisyon. Ngayon, panahon ko naman para magbalik at tumulong sa mga kabataan.” -Melanie Tabaculde


Nitong Hunyo 28, bumisita si Pangilinan sa nasabing paaralan at laking gulat niya nang malaman na ang kasalukuyang pinuno ng eskwelahan ay isa pala sa mga beneficiary ng kanyang scholarship program noong 2004.


“Lingid sa aking kaalaman na ang kanilang principal na si Melanie Tabaculde ay isa pala sa ating mga iskolar,” ani Pangilinan sa kanyang Facebook post. “Nakakataba ng puso na marinig ang ating naging kontribusyon.”


Si Tabaculde ay nagtapos ng kursong Environmental Management mula sa University of the Philippines Los BaƱos (UPLB). Sa kasalukuyan, pinamumunuan niya ang daan-daang mag-aaral ng Jaro National High School, dala ang diwa ng serbisyong publiko na minsang kanyang natanggap bilang estudyante.


Lubos ang pasasalamat ni Sen. Pangilinan sa kontribusyon ni Tabaculde bilang isang tagapagturo at lider.


“Bawat estudyanteng nahubog ng inyong serbisyo ay nagpapatibay ng pundasyon ng ating bayan,” ani Pangilinan.

Dagdag pa niya, ang tagumpay ni Tabaculde ay patunay na ang pagtulong sa edukasyon ay may pangmatagalang epekto sa lipunan.


Ang tagumpay ni Melanie Tabaculde ay patunay na ang maliit na tulong sa edukasyon ay maaaring magbunga ng malaking pagbabago. Mula sa pagiging iskolar, ngayo’y isa na siyang haligi ng edukasyon na humuhubog ng mga bagong lider ng bayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento