Advertisement

Responsive Advertisement

DOKTOR, HINANGAAN MATAPOS TUMULONG SA NAWALAN NG MALAY NA DRIVER SA GITNA NG KALSADA

Lunes, Hulyo 28, 2025

 



Viral ngayon ang kabutihang ipinamalas ni Dr. Glena Fe Yapchulay matapos siyang tumulong sa isang driver ng SUV na nawalan ng malay habang nasa gitna ng kalsada. Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Yapchulay ang video ng insidente, kung saan makikitang nagtulong-tulong sila ng ilang mga bystander upang mailigtas ang driver.


“Hindi ko ginawa ito para sa papuri, kundi para sa kaligtasan ng iba. Sana magsilbi itong paalala sa lahat na alagaan ang ating kalusugan at huwag nang magmaneho kung nakakaramdam ng hindi maganda.” -Dr. Glena Fe Yapchulay 


Ayon kay Dr. Yapchulay, napansin niya ang mga taong pilit binabasag ang salamin ng SUV na nakahinto sa gitna ng kalsada. Dahil hindi heavily tinted ang sasakyan, agad nilang nakita na ang driver ay walang malay.


“Kanina sa daan ay may napansin kami na mga taong pilit binabasag ang salamin ng isang nakahintong SUV sa gitna ng kalsada. Dahil hindi heavily tinted ang sasakyan ay makikita ang driver na walang malay. Ang mga tao sa paligid ay gumawa na agad ng aksyon. Nagbayanihan na upang tulungan ang driver,” ayon kay Yapchulay.


Paliwanag ni Dr. Yapchulay, hindi para mag-viral ang kanyang post kundi para magbigay ng paalala.


“Ang video ay para sa awareness na kapag may masama ng nararamdaman ay huwag nang mag-drive ng solo,” aniya.


Sa kasunod na post, ibinahagi ni Yapchulay na ang driver ay kasalukuyang nagpapagaling sa ospital at nagpasalamat ang pamilya nito sa kanyang mabilis na pagtulong.


“Sa ating tulong-tulong na dasal at aksyon, siya ay nagpapagaling na sa ospital. To God be the glory,” ani Yapchulay.

Dagdag pa niya, nagpasalamat ang kapatid ng pasyente sa kanyang kabutihang loob at sa agarang aksyon ng mga tumulong sa lugar.


Ang ginawa ni Dr. Glena Fe Yapchulay ay patunay na ang bayanihan at malasakit sa kapwa ay buhay pa rin sa bawat Pilipino. Sa kanyang kabutihan at mabilis na pag-aksyon, nailigtas ang isang buhay at naipakita na kahit simpleng pagtulong ay may malaking epekto sa iba.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento