Advertisement

Responsive Advertisement

BABY-CHANGING TABLE GINAMIT PARA SA ASO? NETIZENS HATI ANG OPINYON, FUR PARENTS COMMUNITY NAGDEPENSA

Sabado, Hulyo 12, 2025

 



Nag-trending online ang mainit na usapan kaugnay sa viral na larawan kung saan isang couple ang namataang pinapalitan ng diaper ang kanilang alagang aso sa baby-changing table sa loob ng women’s restroom ng isang mall.


Sa isang public post mula sa fur parents community group:


“Para sa amin, ang mga alaga namin ay parang mga anak na rin. Hindi kami basta-basta gumagamit ng baby-changing table, sinisigurado rin naming malinis ito pagkatapos. May dala kaming sanitizers at wipes para hindi makaperwisyo sa iba.”


Dagdag pa nila, sa ilang bansa, normal na raw ang pet-friendly facilities, kaya sana raw ay mas lumawak ang pag-intindi dito sa Pilipinas.


“Sa totoo lang, hindi namin intensyon na makaistorbo o makaperwisyo. Sadyang mahal lang talaga namin ang mga alaga namin, kaya gusto rin naming maalagaan sila nang maayos kahit nasa labas. Basta siguradong malinis, sana mas maintindihan din ng iba.” -Isang Fur Parent


Habang maraming netizens ang nagpahayag ng pagkadismaya, sinasabing hindi raw ito tama at hindi nararapat gamitin ang pasilidad na para sa sanggol para sa hayop, biglang pumasok sa eksena ang fur parents community para magbigay ng kanilang panig.


Ayon sa ilang netizens, malinaw daw na dapat ilaan lamang ang baby-changing table para sa mga sanggol. Narito ang ilan sa kanilang komento:


“Respeto naman sa ibang gumagamit. May sanggol na gumagamit niyan, hindi aso.”


“Puwede naman palitan sa labas, hindi na kailangan gamitin ang para sa baby.”


Ngunit ayon sa fur parents community, hindi raw dapat agad husgahan ang mga gaya nilang itinuturing na “anak” ang kanilang mga alaga.


Ang isyung ito ay hindi lang tungkol sa paggamit ng baby-changing table para sa aso, kundi tungkol sa pagkakaiba ng pananaw ng bawat isa pagdating sa pag-aalaga mapa-baby man o pet.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento