Advertisement

Responsive Advertisement

FUR PARENTS O IRRESPONSIBLE OWNERS? COUPLE PINAG-USAPAN DAHIL SA BABY TABLE INCIDENT

Sabado, Hulyo 12, 2025

 



Nag-viral at pinag-usapan sa social media ang ilang larawan kung saan makikitang pinapalitan ng diaper ng isang couple ang kanilang alagang aso sa isang baby-changing table sa loob ng women’s restroom ng isang mall sa Pampanga.


Bukod sa hindi inaasahang eksena, lalo pang nag-init ang mga netizens nang mapansin na pati ang lalaki ay nasa loob ng CR ng mga babae habang ginagawa ito.


Ang naturang larawan ay muling naibahagi noong July 9, 2025 sa isang Facebook page ng clothing, events, at model management brand na may caption:


“Iba na talaga ang panahon no? 'FUR PARENT. Men in women’s restrooms. Baby Diaper changing stations turned into pet grooming counters. Society is thriving. Galing!”


Hindi nagtagal, libu-libong comments at shares ang nakuha ng post. Ilan sa mga nabanggit na komento:


“Hindi lahat ng uso, tama. Baby-changing table ‘yan para sa babies, hindi para sa aso.”


“Ang respeto sa public place dapat iniisip. Hindi porket fur parent ka, kahit saan na lang gagawin.”


“Pati lalaki pumasok sa babae’s CR? Grabe na talaga ngayon.”


Ayon sa nag-post, ang mga larawan ay kuha pa raw noong pandemic era noong 2021 sa isang mall sa Clark, Pampanga.


“Since madami ako nakikita na posts about irresponsible pet owners sa mga public places, share ko na rin yung never ko na makakalimutan way back in 2021. Pandemic era pa to. SM Clark. Ginagamit nila sa dog nila yung diaper changing table for babies! Grabe!”


Ang insidente sa Pampanga na muling naungkat ay nagbukas muli ng diskusyon tungkol sa tamang asal ng pet owners sa mga pampublikong lugar. Habang lumalaki ang bilang ng fur parents sa bansa, mahalaga pa ring isaisip na may mga limitasyon at respeto sa public facilities.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento