Advertisement

Responsive Advertisement

5 SAKO NG BUTO, NAREKOBER SA TAAL LAKE — PHILIPPINE COAST GUARD TULOY ANG PAGHAHANAP SA GITNA NG HIRAP AT ZERO VISIBILITY

Linggo, Hulyo 13, 2025

 



Patuloy ang search and retrieval operations ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Taal Lake, Laurel, Batangas, at nitong Sabado, nakarekober na sila ng limang sako na pinaniniwalaang naglalaman ng buto ng tao.


“Hindi biro ang trabaho ng mga divers. Malalim, malakas ang current, tapos zero visibility. Pero ginagawa namin ito para makapagbigay-linaw at hustisya sa mga nawawala. Sana ipagdasal ng publiko ang kaligtasan ng lahat ng involved sa operasyon.” -Commodore Geronimo Tuvilla


Ayon kay PCG Southern Tagalog Commodore Geronimo Tuvilla, kakaiba raw ang pagkaka-rekober sa mga sako dahil may nakalagay itong pabigat na nagsilbing pantulak pababa sa ilalim ng lawa.


“Pagbaba mo pa lang wala ka na halos makita, zero visibility, kapa-kapa, sinusuyod pa rin nila dahan-dahan,” ani Tuvilla.

“Kung ano man ang makapa nila na unusual, minamarkahan agad para pagdating ng SOCO, CIDG, NBI, makuha nila nang maayos.”


Lahat ng narekober ay may markings o “bouys” upang madaling balikan ng mga divers. Katuwang ng PCG sa operasyon ang SOCO, CIDG, at NBI upang masiguro ang maayos na pagproseso ng ebidensiya.


Ang patuloy na operasyon ng PCG sa Taal Lake ay patunay na hindi sumusuko ang mga awtoridad sa paghahanap ng katotohanan. Sa kabila ng mahirap na kondisyon sa ilalim ng lawa, tuloy pa rin ang kanilang pagsisikap.


Ang pagkarekober ng limang sako ng buto ay nagbibigay ng mas malinaw na direksyon sa imbestigasyon kaugnay sa high-profile na kaso ng nawawalang mga sabungeros.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento