Nag-viral online ang ilang edited video clips ng P-pop girl group na BINI matapos makita ang kanilang candid reactions habang tinutuklas ang iba't ibang iconic Filipino snacks sa isang foreign YouTube channel.
“Nirerespeto po namin ang lahat ng kultura, lalo na ang pagkaing Pilipino. Ang episode po ay ginawa para subukan namin ang iba’t ibang Pinoy snacks, pero siyempre, hindi lahat ay agad nagugustuhan lalo na kung first time. Maraming salamat po sa patuloy na suporta.” -Bini Sheena
Kasama sa tinikman ng walong miyembro ng BINI sa video na in-upload noong July 8, 2025 ay ang Betamax (grilled chicken or pork blood) at hopiang baboy dalawa sa pinakakilalang street foods sa Pilipinas. Ngunit tila hindi lahat sa kanila ay nagustuhan ang naturang pagkain, na agad namang inalmahan ng ilang netizens.
Dahil dito, may ilang netizens na hindi natuwa, tinawag itong “disrespect sa Pinoy food” habang ang iba naman ay nagsabing pinapalaki lang ang isyu.
Ayon sa ilang social media analysts, “rage baiting” ang tawag sa ganitong uri ng content kung saan sinasadya raw piliin at i-edit ang mga clips para magmukhang negatibo ang reaksyon at magkaroon ng matinding diskusyon online.
Ang mainit na diskusyon tungkol sa BINI at Filipino street food ay paalala na lahat tayo may kanya-kanyang panlasa. Hindi dahil hindi mo nagustuhan ang isang pagkain, ay nangangahulugang minamaliit mo na agad ang kultura.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento