Sa gitna ng mga batikos sa kanyang sunod-sunod na pagbiyahe sa ibang bansa, Vice President Sara Duterte ay matapang na nilinaw na hindi niya ginamit ang pera ng taumbayan para tustusan ang mga ito.
“Wala akong tinatago. Trabaho ito, hindi luho. At hindi pera ng taong bayan ang ginamit ko, kundi sarili kong gastos,” ani VP Sara.
Sa isang panayam, ipinahayag ni Duterte na ang kanyang mga biyahe sa ibang bansa ay personal na ginastusan at hindi para mamasyal gaya ng iniisip ng ilan.
“Kapag personal trip, hindi ako gumagamit ng pera ng bayan,” ani Duterte.
“Hindi ibig sabihin na personal na lakad ‘yan, holiday o pamamasyal ‘yan. Wala pong ginamit na pera ng gobyerno sa mga biyahe kong ‘yon.”
Ilan sa mga bansang pinuntahan ng Bise Presidente sa unang kalahati ng 2025 ay ang:
The Hague, Netherlands
Qatar
Malaysia
Australia
Ayon kay Duterte, ang mga ito ay hindi simpleng pamamasyal kundi pagdalo sa mga rally na inorganisa ng mga supporters sa abroad, lalo na kaugnay ng kaso ng kanyang ama, dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa International Criminal Court (ICC).
“Kahit personal ang biyahe, nagtatrabaho pa rin ako. At ang mga rally, hindi gobyerno ang gumastos kundi mga tagasuporta,” paglilinaw niya.
Sa isyu kung bakit pinipili raw niya ang mga lugar na posibleng paglipatan ng kanyang ama kung sakaling payagan ng ICC ang pansamantalang paglaya, diretsahang sagot ni VP Sara:
“Kung hindi sila bobo, maiintindihan nila ‘yung ginagawa ko. Bobo sila kaya hindi nila naiintindihan.”
Sa kabila ng mga kontrobersiya at paratang, matatag ang paninindigan ni VP Sara Duterte na ang kanyang paglalakbay ay hindi ginamitan ng kaban ng bayan at may layunin itong politikal at personal. Nanindigan siyang kahit sa mga biyahe, tuloy ang kanyang trabaho at hindi kailanman naging pondo ng gobyerno ang ginamit para rito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento