Advertisement

Responsive Advertisement

VP SARA DUTERTE, NANGUNGUNA SA 2028 PRESIDENTIAL SURVEY, TAUMBAYAN MAY MALAKAS NA TIWALA

Linggo, Hunyo 29, 2025

 



Lumabas bilang early frontrunner sa 2028 presidential race si Vice President Sara Duterte, ayon sa pinakabagong nationwide survey ng research firm na Tangere. Sa isinagawang non-commissioned poll, si Duterte ay nakakuha ng 35% na suporta mula sa mga respondent sa buong bansa.


“Ang suporta ng taumbayan ay isang malaking karangalan at responsibilidad. Hindi ito tungkol sa kapangyarihan kundi sa tunay na paglilingkod. Patuloy tayong kikilos para sa bayan—hindi lang sa survey, kundi sa serbisyo.” -Vice President Sara Duterte


VP Sara Duterte – 35%

Former VP Leni Robredo – 19%

Senator Bong Go – 13%

Senator Raffy Tulfo – 9%

House Speaker Martin Romualdez – 6%

Sen. Risa Hontiveros at Sen. Chiz Escudero – tig-3%

Sen. Robin Padilla at Sen. Imee Marcos – tig-1%

Undecided – 10%


Samantala, sa parehong survey, si Sen. Bong Go ang nangunguna sa vice-presidential race na may 38% na suporta. Ang survey ay isinagawa sa 2,000 respondents.


Ang pagkakaluklok kay Vice President Sara Duterte bilang survey frontrunner ay patunay ng kanyang patuloy na suporta mula sa masa. Habang maaga pa sa karera ng 2028, ipinapakita nito na malakas pa rin ang impluwensya at tiwala ng publiko sa kanyang pamumuno.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento