Sa panahong karaniwan na ang magagarang kasalan sa beach, hotel, o garden, isang magkasintahan mula sa China ang gumawa ng makabagbag-damdaming desisyon magpakasal sa loob ng isang animal shelter, kasama ang 200 rescue dogs bilang kanilang mga bisita.
Sina Liang Dong at Teng Liuxian, parehong 30 taong gulang, ay ikinasal sa Tianjin Animal Safe Haven Shelter, isang lugar na kanilang itinuturing na espesyal hindi lamang dahil sa pagmamahalan nilang dalawa kundi dahil sa pagmamahal nila sa mga hayop.
"Ang kasal na ito ay hindi lang para sa amin, kundi para rin sa lahat ng mga asong naghintay at nagmahal kahit nasaktan. Ito ang tunay na forever," – Liang Dong
Naging viral online ang mga larawan ng kanilang kasal kung saan kapansin-pansin ang saya mga asong tumatahol ng masaya, pumapalibot sa altar, at masiglang nakikisama sa kasayahan. Ang halakhak ng mga bisita ay sinabayan ng kaway ng buntot, tila ba sumasaksi ang mga alagang aso sa pangakong walang iwanan ng magkasintahan.
“Hindi lang ito tungkol sa amin. Gusto naming ipaalala sa mundo na ang tunay na pag-ibig ay inclusive, hindi lang para sa tao kundi para rin sa mga hayop na matagal nang naghahanap ng pamilya,” ani Teng Liuxian, bride at animal rights advocate.
Ayon kay Liang Dong, ang desisyon nilang doon magpakasal ay hindi basta "kakaiba"—ito ay bahagi ng kanilang adbokasiya para sa kapakanan ng mga hayop. Sa halip na gumastos ng milyon sa wedding venue, ginamit nila ang okasyon para hikayatin ang publiko na mag-adopt at tumulong sa mga stray.
May mga bisita rin na sa araw ng kasal ay agad nag-adopt ng mga alagang aso sa shelter isang magandang bunga ng kanilang espesyal na selebrasyon.
Ang kwento nina Liang at Teng ay isang paalala na hindi kailanman nalilimita ang tunay na pagmamahal. Sa simpleng kilos ng pagsasama, isinama rin nila sa kasaysayan ng kanilang pag-iibigan ang mga nilalang na madalas nakakalimutan ng lipunan ang mga hayop na walang tinig at tahanan.
Ito ay hindi lamang kasal ito ay mensahe. Isang tawag para sa mas mapagmalasakit na mundo kung saan lahat, maging aso man o tao, ay pwedeng mahalin at ipaglaban.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento