Sa isang liblib na lugar sa Groendal township sa South Africa, natagpuan ang isang 7-linggong gulang na tuta na nagngangalang Gunnar mahina, gutom, at mag-isa. Pero sa kabila ng lahat ng ito, may hawak pa rin siyang isang pirasong lumang tinapay. Para sa iba, basura na ito. Pero para kay Gunnar, ito ang kanyang sandigan sa loob ng isang linggong pamumuhay nang mag-isa matapos siyang abandunahin.
“He may have been abandoned, but Gunnar never gave up. And now, he’s not just surviving—he’s thriving,” ani Freya.
Nang dumating ang mga rescuer mula sa Sidewalk Specials, isang animal rescue group sa South Africa, tumambad sa kanila ang nakakaawang kalagayan ni Gunnar. Payat, nanginginig, at may mabigat na kondisyon sa kalusugan kabilang na ang anemia, tick bite fever, at matinding parasite infestation. Pero ang higit na tumatak sa kanilang puso ay ang ginawa ng munting tuta: ibinahagi niya ang hawak niyang tinapay sa mga sumagip sa kanya.
Isang kilos ng tiwala at pasasalamat, na bihira sa isang hayop na napabayaan at pinabayaan.
Matapos ang agarang gamutan at isang linggong pagmamahal mula sa foster family, si Gunnar ay inampon ni Freya, isang mapagmahal na babae na ngayon ay kanyang forever furmom.
Ayon kay Freya, si Gunnar ay masayahin, palakaibigan, at may kakaibang hilig sa pagkolekta ng mga bato. Araw-araw niyang ipinapakita ang sigla na tila ba hindi niya dinanas ang matinding paghihirap.
Ang kwento ni Gunnar ay hindi lang tungkol sa isang tuta ito ay salamin ng pag-asa, lakas ng loob, at kapangyarihan ng malasakit. Sa kabila ng sakit at gutom, hindi siya nawalan ng tiwala sa tao. At bilang gantimpala, natagpuan niya ang isang bagong buhay, puno ng pagmamahal.
Nawa’y magsilbing paalala si Gunnar sa atin lahat: hindi kailanman nawawala ang pag-asa, hangga’t may isang pusong handang magmahal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento