Advertisement

Responsive Advertisement

"ZERO TOLERANCE TAYO PAGDATING SA DROGA" MAYOR-ELECT NG ALBUERA KERWIN ESPINOSA, NANGAKONG WAWAKASAN ANG PROBLEMA SA DROGA

Martes, Mayo 20, 2025

 



Sa muling pagbabalik sa pulitika, Kerwin Espinosa ay opisyal nang nahalal bilang Mayor ng Albuera, Leyte, at nangakong tututukan ang peace and order at lilinisin ang bayan sa droga. Isang matapang na paninindigan ito mula sa isang taong matagal nang sentro ng kontrobersya.


"Ang bagong oportunidad na ito ay hindi lamang posisyon, kundi tungkuling dapat gampanan nang may katapatan. Nawa’y mapatunayan ninyo sa buong Albuera at sa buong bansa na ang pagbabago ay posible — at hindi huli ang lahat para sa sinumang gustong maglingkod nang tapat." - Kerwin Espinosa


Ayon sa kanya, ang pangunahing hakbang ng kanyang administrasyon ay ang pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot.


“Ang uunahin ko, peace and order at bigyan ng solusyon ang droga dito sa Albuera. Linisin namin ang droga dito sa aming lungsod. I-zero tolerance namin ang droga,” pahayag niya.


Dagdag pa ni Espinosa, isa ito sa mga paraan niya para linisin ang kanyang pangalan na matagal nang kinukuwestiyon sa publiko.


“Gusto ko lang sugpuin [ang droga] at para mapatunayan na hindi talaga ako naging drug lord. Naging biktima lang ako sa mga… alam na natin,” aniya.


Ang panalo ni Espinosa ay dumating ilang linggo matapos ang isang tangkang pagpatay sa kanya. Itinuro niya si Rep. Richard Gomez bilang may kinalaman sa insidente, ngunit wala pang pormal na kasong isinampa sa ngayon.


Bagama’t may pagdududa mula sa ilan, nananatiling mataas ang kumpiyansa ng ilang AlbuereƱo na magagawa ni Espinosa ang kanyang mga ipinangako—lalo na’t galing siya sa mismong ugat ng isyu.


Ang pagkapanalo ni Kerwin Espinosa bilang mayor ng Albuera ay isang bagong yugto hindi lamang para sa kanya kundi para sa buong bayan. Sa kabila ng kanyang madilim na nakaraan, nangako siyang itutuwid ang daan at wawakasan ang problema sa droga. Subalit, habang pinapanood siya ng sambayanan, tanging aksyon at resulta lamang ang makakapagpatunay kung tunay ngang nagbago na ang dating isinasangkot sa ilegal na kalakaran.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento