Advertisement

Responsive Advertisement

"DI KO INAKALANG MAG-RERETIRO AKO NG GANITO", KWENTO NG ISANG DATING PRINCIPAL NA NGAYON AY NANGANGALAKAL

Martes, Mayo 20, 2025


 

Isang Facebook post ang mabilis na nag-viral kamakailan matapos makita ng isang netizen ang dating principal ng kanyang elementarya — ngayon ay nangangalakal ng karton sa kalsada para mabuhay.


Ang principal na tinutukoy ay si Dr. Elvira Barcelo, 81 taong gulang, na ayon sa post ni Clarisse, ay dati nilang principal na kilala sa pagiging elegante, mahigpit ngunit inspirasyonal.


"Hindi hadlang ang edad, trabaho, o kalagayan sa buhay upang magturo ng kabutihan. Sa panahong mahirap ang mundo, ang inyong halimbawa ay liwanag at inspirasyon sa amin. Ma’am, salamat sa buhay na puno ng aral at dignidad." - Dr. Elvira Barcelo


“Noon laging naka-heels, naka-lipstick, at ayos ang buhok. Punong-puno ng sigla. Malakas ang dating—pangalan pa lang, may impact na.” sabi ni Clarisse.


Sa kabila ng malaking pagbabagong pisikal at pinansyal, hindi pa rin nawawala kay Dr. Barcelo ang dignidad at karunungan. Sa kanilang pag-uusap, ito raw ang mga aral na iniwan ni Ma’am Barcelo:


 “Work is work. If it’s honest, there’s dignity in it.”

Hindi raw mahalaga kung anong trabaho mo—basta marangal, may dangal.


🔸 “Life doesn’t always follow the script we write.”

Aminado si Dr. Barcelo na hindi niya inakalang ganito ang magiging itsura ng kanyang retirement, ngunit tinanggap niya ito nang may kababaan ng loob at pasasalamat.


🔸 “Learning never ends.”

Araw-araw daw siyang may natututunan, hindi mula sa libro kundi mula sa mga taong nakakasalamuha sa lansangan.


🔸 “Service can take many forms.”

Kahit wala na sa klasrum, tinuturuan pa rin niya ang mga batang nakakasalubong niya sa kanyang munting paraan.


Dahil sa viral na post, maraming dating estudyante ang bumisita at nag-abot ng tulong kay Dr. Barcelo. May mga nagdala ng grocery, at ilan ang nangakong tutulong buwan-buwan. Bagamat hindi siya humihingi ng tulong, sinabi ni Clarisse:


“Gaya ng kasabihang ‘Ang paggawa ng mabuti ay walang maidudulot na masama.’”


Ang kwento ni Dr. Elvira Barcelo ay paalala na ang buhay ay hindi laging ayon sa plano. Ngunit kahit anong hamon pa ang dumating, mananatili ang dangal ng taong marangal ang puso. Hindi matatawaran ang epekto ng mabuting ehemplo sa mga estudyante — at ngayon, siya rin ay tinuturuan ng buhay sa kanyang bagong kapaligiran. Sa dulo, hindi nawala ang kanyang pagiging guro — nag-iba lang ang kanyang klasrum.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento