Advertisement

Responsive Advertisement

"MAKABILI NGA DIN NG ALAGANG UNGGOY" RENDON LABADOR, BUMUWELTA MATAPOS PANGALANAN NI DIWATA ANG ASO BILANG “RENDON”

Martes, Mayo 20, 2025

 



Muling nag-init ang bangayan sa pagitan ng social media personality Rendon Labador at viral pares vendor na si Diwata (Deo Balbuena). Ang dahilan? Pinangalanan ni Diwata ang kanyang alagang aso na “Rendon.”


Bagamat mukhang biro para sa ilan, hindi ito ikinatuwa ni Rendon, na kilala sa kanyang “motivational but confrontational” style ng pagpo-post.


Nag-ugat ang usapin ng pinangalanan ni Diwata ang aso niya ng “Rendon.” Sa halip na matawa, bumuwelta si Rendon sa isang Facebook post:


“Ano ipapangalan natin? Makabili nga din ng alagang unggoy,” ani Rendon.

“Saan ba nakakabili niyan? Maganda sana yung meron na kasamang gold sa leeg para hindi na ako bumili.”


Bagamat walang tahasang binanggit na pangalan, malinaw na ang post ay may patama kay Diwata.


Hindi ito ang unang pagkakataon na binatikos ni Rendon si Diwata. Matapos mabigo ang Vendor’s Party-list na kinatawan ni Diwata sa nakaraang halalan, ilang ulit nang kumasa ng mga sarcastic at disrespectful comments si Rendon laban dito.


Ang sagutan ng dalawa ay kinagigiliwan ng mga netizen, ngunit may ilan ding nagsasabi na mababaw at walang saysay ang bangayan—na para bang personalan na lamang ang pinagmumulan.


Sa mundo ng social media kung saan pansin at virality ang bagong pera, hindi na bago ang mga bangayang tulad ng kina Diwata at Rendon Labador. Sa kabila ng katatawanan at memes na hatid nito, marami ang umaasang sana'y gamitin na lang ang kanilang impluwensiya para sa mas makabuluhang layunin. Ang alitan sa pagitan ng dalawang kilalang personalidad ay paalala na sa likod ng viral content, may totoong taong nasasangkot — at minsan, respeto pa rin ang dapat na nangingibabaw.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento