Nakakaantig ng damdamin ang kuwento ni Dr. Elvira Barcelo, isang dating school principal na ngayo’y nangangalakal ng karton sa lansangan upang makatawid sa araw-araw. Ayon sa ulat, nawala ang kanyang buong pension at ipon matapos mabiktima ng scam — isang masakit na pangyayari na tuluyang bumago sa takbo ng kanyang buhay.
"Ma’am, hindi kayo nag-iisa. Ang dignidad at pagmamalasakit na itinuro ninyo noon ay bumabalik sa inyo ngayon sa anyo ng pagmamahal mula sa inyong mga estudyante at kababayan. Nawa’y patuloy kayong maging inspirasyon sa amin, na sa kabila ng kahirapan, ang marangal na pamumuhay ay laging panalo." - Dr. Elvira Barcelo
Ang kuwentong ito ay unang ibinahagi sa social media ng kanyang dating estudyante na si Clarisse, na hindi makapaniwalang ang dating maayos, naka-heels, at matikas nilang principal ay ngayo’y nag-iisa na at kumakapit sa dignidad sa kabila ng kahirapan.
Ayon kay Clarisse, nalimas ang pension at ipon ni Dr. Barcelo matapos siyang dayain ng isang scammer.
“Patay na rin po lahat ng kapatid niya kaya talagang nag-iisa na lang po siya,” pahayag ni Clarisse sa isang panayam.
“May malalayong kamag-anak po si Ma’am, pero baka may kanya-kanya din silang pasan na problema sa buhay.”
Si Dr. Barcelo, na kilala bilang isang istriktong guro pero mapagmahal na tagapagturo, ay nakitang nangangalakal ng karton sa edad na 81. Sa kabila ng lahat, nananatili siyang may dignidad.
“Work is work. If it’s honest, there’s dignity in it.” — ito ang kanyang mensahe kay Clarisse na umantig sa puso ng maraming netizen.
Dahil sa viral na post ni Clarisse, maraming alumni at concerned netizens ang nagtulung-tulong upang mag-abot ng tulong kay Dr. Barcelo — mula sa grocery, financial aid, hanggang sa pag-alok ng matitirhan.
Ang kwento ni Dr. Elvira Barcelo ay paalala sa lahat na ang buhay ay hindi palaging patas, at minsan, ang mga taong minsan ay nagsilbi sa atin ay siya namang nangangailangan ng ating pagkalinga sa huli. Sa kabila ng kabiguan at panloloko, nananatili siyang matatag — pinipiling itaguyod ang sarili sa marangal na paraan. Sana’y magsilbi itong panawagan sa atin na huwag balewalain ang mga matatandang minsan ay tumulong hubugin ang ating kinabukasan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento