Sa gitna ng engrandeng proklamasyon ng mga nanalong senador sa 2025 midterm elections, umani ng pansin si Senador Imee Marcos nang hindi mabanggit sa kanyang talumpati ang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa halip, binigyang-diin niya ang pasasalamat kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at kay Vice President Sara Duterte na aktibong tumulong sa kanyang kampanya.
Idinaos ang proklamasyon ni Imee bilang ika-12 nanalong senador sa Manila Hotel Tent City bandang alas-3 ng hapon noong Sabado. Nakakuha siya ng kabuuang 13,339,227 boto, at siya ang unang iprinoklama ng Comelec en banc na nagsisilbing National Board of Canvassers.
Suot ni Imee ang isang espesyal na barong ng kanyang ama, ang dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., bilang simbolo ng kanyang pagbabalik sa Senado at pagpapakita ng pagpapatuloy ng kanilang legacy.
“To my mother, who is now 96 years old, to my children who never doubted my victory, to former President Rodrigo Duterte, who raised my hand in October, and to his daughter, Vice President Inday Sara, who campaigned tirelessly for me until the very end, this victory is for all of you,” aniya.
“Though it was difficult and hard-fought, it proves that if you stand for what is right, you will win.”
Matapos ang talumpati, tinanong si Imee kung bakit wala man lang pasasalamat sa kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos, na naging sentro ng administrasyon at ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas coalition.
Ang sagot ni Imee ay maikli ngunit puno ng tanong:
“I just forgot.”
Ito ay nagdulot ng mga espekulasyon sa social media, kung may tensyon ba sa pagitan ng magkapatid o simpleng pagkakalimot lang talaga ang nangyari. Sa kabila nito, hindi nagbigay ng follow-up comment si Imee matapos ang insidenteng iyon.
Dumalo sa proklamasyon ang kanyang mga anak at ang 96-anyos na ina na si dating First Lady Imelda Marcos, ngunit wala si Pangulong Marcos sa okasyon. Hindi rin nabanggit kung bakit hindi ito dumalo o nagbigay ng pahayag para sa kanyang kapatid.
Sa isang tagumpay na dapat ay buo ang selebrasyon, ang hindi pagbanggit ni Senador Imee Marcos sa kanyang sariling kapatid na Pangulo ay hindi nakaligtas sa mga mata ng publiko. Totoo man na simpleng "nakalimutan lang," hindi maiiwasang magtanong ang marami kung may mas malalim na dahilan sa likod nito.
Gayunpaman, malinaw ang kanyang mensahe:
“Mahirap man ang laban, ang katotohanan ang palaging panalo. Salamat sa mga naniwala at lumaban kasama ko,” — Sen. Imee Marcos
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento