Isang emosyonal at matapang na rebelasyon ang ibinahagi ng dating singer na si Alynna Velasquez matapos aminin na siya ay naging homeless at nawalan ng kabuhayan matapos ang pagpanaw ng kanyang longtime partner na si OPM icon Hajji Alejandro.
Sa isang panayam, sinabi ni Alynna na itinago niya ang kanyang totoong kalagayan kay Hajji sa mga huling araw nito upang hindi na siya mag-alala.
“Lalo na noong malapit na siyang mawala, binubulong ko sa kaniya, ‘Huwag kang mag-alala sa akin. Okay lang ako.’ Kahit na homeless ako,” saad niya habang pinipigilang maiyak.
Ayon kay Alynna, lubos siyang umasa at naging dependent kay Hajji sa maraming aspeto ng buhay, kaya’t nang ito ay pumanaw, nawala rin ang kanyang direksyon.
“Noong nawala siya, wala talaga akong handa. I was completely dependent on him. Homeless ako, wala akong pera. Buti na lang, nandiyan ang pamilya ko at nakikitira ako,” pahayag niya.
Hindi rin naiwasan ng netizens ang maka-relate at maawa, lalo na’t nakita nilang tunay ang pinagdadaanan ng dating OPM singer.
Sa kabila ng matinding pagsubok, hindi sumusuko si Alynna. Ibinunyag niyang balak niyang bumalik sa pagkanta, na una niyang minahal at naging hanapbuhay.
“Okay lang, kakanta naman ulit ako. Sana magkaroon ako ng mga shows,” ani Alynna na may ngiting puno ng pag-asa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento