Advertisement

Responsive Advertisement

“EXPEL ME IF YOU WANT. PHILIPPINE CONGRESS HAS DONE NOTHING BUT DESTROY THE LIVES OF THE FILIPINO PEOPLE” REP. KIKO BARZAGA DEDMA SA HOUSE ETHICS COMMITTEE

Miyerkules, Enero 28, 2026

 



Naglabas ng matapang na pahayag ang suspended Cavite Representative na si Rep. Kiko Barzaga kaugnay ng muling pagdinig ng House Ethics Committee sa reklamong isinampa laban sa kanya. Sa halip na humarap, malinaw ang kanyang sinabi: hindi niya papansinin ang summons ng komite.


“I will be ignoring the summons of the Ethics Committee. Expel me if they want. Matagal na namang malinaw, mas inuuna ng Kongreso ang sariling imahe kaysa sa buhay ng mga Pilipino.” -Rep. Kiko Barzaga 


Ayon kay Barzaga, handa siyang tanggapin kahit ang pinakamabigat na parusa, suspensyon man o expulsion dahil para sa kanya, mas mahalaga ang kanyang paninindigan laban sa kung ano ang tingin niyang mali sa Kongreso.


Sa kanyang pahayag, diretsahang binatikos ni Barzaga ang Philippine Congress, na aniya’y wala umanong nagawa kundi sirain ang buhay ng mga Pilipino. Para sa kanya, ang Ethics Committee ay hindi na instrumento ng disiplina kundi bahagi ng sistemang kanyang tinututulan.


Ang pagtanggi ni Rep. Kiko Barzaga na sumipot sa pagdinig ng House Ethics Committee ay hindi lang simpleng isyu ng disiplina, ito ay banggaan ng paninindigan at proseso.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento