Ayon kay Prof. Malou Tiquia, hindi raw simpleng usaping legal ang unang impeachment complaint na isinampa laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa halip, isa raw itong istratehikong hakbang na may malinaw na layunin: hadlangan ang mas lehitimo at mas mabigat na reklamo na maaaring isampa laban sa Pangulo.
“Ang talino ng galawan maghain ng sariling impeachment para hindi na ma-impeach. Parang ikaw na ang nagreklamo sa sarili mo para wala nang makapila. Hindi ’yan accountability, strategy ’yan.” -Prof. Malou Tiquia
Para kay Tiquia, mahalagang tingnan hindi lang ang nilalaman ng reklamo kundi ang timing at epekto nito sa proseso.
Ipinaliwanag ni Tiquia na sa ilalim ng impeachment process, may tinatawag na 1-year bar rule kapag may naihain nang impeachment complaint, hindi na maaaring magsampa ng panibago laban sa parehong opisyal sa loob ng isang taon.
Dito umano pumapasok ang taktika: ang maagang paghahain ng isang mahina o kontroladong reklamo ay maaaring magsilbing pananggalang upang hindi na makalusot ang mas seryoso at mas handang kaso.
Mas naging matapang ang pahayag ni Tiquia nang sabihin niyang ang unang impeachment complaint ay pakawala umano ng administrasyon ni Marcos. Ayon sa kanya, sinadya raw itong ihain hindi para panagutin ang Pangulo, kundi para ma-trigger ang 1-year bar rule at epektibong ma-protektahan siya laban sa lehitimong reklamo.
Ang pahayag ni Prof. Malou Tiquia ay isang seryosong babala: ang impeachment ay maaaring gamitin hindi para managot ang makapangyarihan, kundi para protektahan sila.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento