Iginiit ni Atty. Claire Castro na mas ligtas umano ang Pilipinas ngayon kumpara sa nakaraang administrasyon. Ayon sa kanya, mas kontrolado na raw ang sitwasyon pagdating sa krimen at mas ramdam ng mga mamamayan ang kaayusan sa ilalim ng pamumuno ni Ferdinand Marcos Jr..
“Paglabas ko ng bahay wala akong nakitang sinasaksak, ibig sabihin mas ligtas ang Pilipinas kumpara sa panaho ni Duterte. Tuloy-tuloy na ang peace and order.” -Atty. Claire Castro
Ang pahayag na ito ay mabilis na umani ng reaksyon may mga sumang-ayon, ngunit marami rin ang nagtaas ng kilay kung sapat ba ang ganitong batayan sa pagsasabing “mas ligtas” na ang bansa.
Sa ilan, kabilang ang punto ng tagapagsalita, simple raw ang sukatan: “Paglabas ko ng bahay, wala namang saksakan. Wala ring holdapan sa harapan ko.” Para sa kanila, kung walang krimen na nasasaksihan sa araw-araw, malinaw na indikasyon ito ng kaligtasan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento