Diretsahang pinayuhan ni dating Ombudsman Samuel Martires ang kasalukuyang Ombudsman na si Boying Remulla, matapos umano nitong magpakita ng kakulangan sa kaalaman pagdating sa proseso ng isang kaso.
“Kung nakikinig ka ngayon, Ombudsman Remulla, magtrabaho ka muna. Tigilan mo ang araw-araw na press conference dahil doon, hindi mo talaga malalaman ang totoong nangyayari. Biruin mo, Ombudsman ka na, hindi mo pa alam ang proseso ng isang kaso.” -Samuel Martires
Ayon kay Martires, nakakabahala na ang isang Ombudsman na dapat ay eksperto sa mga legal na proseso ay tila hindi pamilyar sa tamang daloy ng paghawak ng mga reklamo at imbestigasyon.
Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Martires na hindi sapat ang araw-araw na press conference upang maipatupad ang tunay na hustisya. Para sa kanya, mas mahalaga ang tahimik ngunit seryosong trabaho sa loob ng tanggapan kaysa sa madalas na pagharap sa media.
Giit niya, ang sobrang pagtutok sa publicity ay maaaring magdulot ng maling impresyon sa publiko at maglayo sa mismong layunin ng Ombudsman ang patas at maayos na pagdinig ng mga kaso laban sa mga tiwaling opisyal.
Ang payo ni dating Ombudsman Samuel Martires ay nagsisilbing paalala na ang posisyon ay hindi sapat kailangan ng tunay na trabaho, kaalaman, at disiplina. Sa isang institusyong itinatag para bantayan ang gobyerno, ang kakulangan sa proseso ay hindi simpleng pagkakamali, kundi isang seryosong problema

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento