Naglabas ng matinding pahayag si Atty. Rowena Guanzon matapos niyang ibunyag na ang impeachment complaint laban kay Ferdinand Marcos Jr. ay hindi raw organic at may malinaw umanong koneksyon sa mga abogado ni Liza Marcos.
“Sabi nila hindi raw nababahala ang Pangulo. Aba, malamang eh abogado ng asawa niya ang nag-file. Parang nag-away kayo sa bahay tapos ikaw rin ang gumawa ng reklamo laban sa sarili mo. Nabuking na kayo.” -Atty. Rowena Guanzon
Ayon kay Guanzon, hindi raw simpleng aksyon ng concerned citizens ang reklamo, kundi isang planadong galaw na ngayon ay unti-unti nang nabubunyag.
Lalong uminit ang usapan matapos ipahayag ni Claire Castro na hindi umano nababahala si Pangulong Marcos sa impeachment complaint na isinampa laban sa kanya.
Para kay Guanzon at sa mga kritiko, dito raw naging obvious ang lahat. Kung ang mga abogado sa likod ng kaso ay may direktang koneksyon sa First Lady, bakit nga ba kakabahan ang Pangulo?
Ang pagbubunyag ni Atty. Guanzon ay muling nagpaalala na sa pulitika, hindi lahat ng maingay ay totoo, at hindi lahat ng tahimik ay inosente. Kung ang impeachment complaint laban kay Pangulong Marcos ay may direktang koneksyon sa sariling kampo ng administrasyon

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento