Nagbigay ng matapang at prangkang mensahe si Ted Failon para kay Sen. Ping Lacson kaugnay ng usapin ng tiwala ng publiko sa mga isinasagawang imbestigasyon ng Senado.
“Senator Ping, gusto n’yo kaming magtiwala? Simple lang ituloy n’yo ang imbestigasyon, imbetahan niyo si Martin Romualdez. Kung wala na ang ICI, mas lalo n’yong imbitahin ang mga taong dapat sumagot. Ang tiwala hindi dinadaan sa speech, dinadaan ’yan sa tapang.” -Ted Failon
Ito ay kasunod ng pahayag ni Lacson sa kanyang talumpati na ang mga nagsasabing “walang mangyayari” ay dapat magkaroon ng tiwala sa proseso. Para kay Failon, hindi sapat ang panawagang magtiwala kung walang malinaw na aksyon.
Ayon kay Failon, mauunawaan sana ang panawagan sa tiwala kung tuloy-tuloy at walang pinipiling iniimbestigahan ang Senado. Ngunit aniya, kung wala na ang ICI at tila humihina ang pag-usad ng mga tanong, natural lang na magduda ang publiko.
Giit niya, kung seryoso ang Senado sa paghahanap ng katotohanan, dapat imbitahan ang mga taong may mahalagang papel sa usapin kahit pa makapangyarihan.
Isa sa binigyang-diin ni Failon ay ang pangangailangang imbitahin si Martin Romualdez upang malinawan ang mga isyung ibinabato. Para sa kanya, hindi magiging buo ang imbestigasyon kung may mga pangalan na tila iniiwasan.
Ang mensahe ni Ted Failon ay malinaw: hindi sapat ang panawagang magtiwala kung kulang ang tapang na ipagpatuloy ang imbestigasyon hanggang dulo para manumbalik ang tiwala ng publiko.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento