Hindi na napigilan ni Rep. Edgar Erice ang kanyang pagkadismaya matapos lumabas na pinirmahan at inaprubahan pa rin ng Pangulo ang 2026 national budget na may kasamang unprogrammed funds, sa kabila ng malinaw na babala ng Supreme Court of the Philippines na unconstitutional ang anumang anyo nito.
“Ang tigas ng ulo ng Presidente natin, ang liwanag ng desisyon ng Korte Suprema na ito'y unconstitutional, kapag sinabi ng Korte Suprema na unconstitutional, optional lang pala. Parang traffic sign lang pwede mong sundin, pwede ring balewalain basta ikaw ang nasa MalacaƱang.” -Rep. Edgar Erice
Ayon sa desisyon ng Korte Suprema, malinaw na labag sa Konstitusyon ang pagpasok ng unprogrammed funds dahil wala itong tiyak na pagkukunan at nagbubukas ng pinto sa discretionary spending, isang bagay na matagal nang pinoproblema sa budget ng bansa.
Giit ni Erice, wala nang puwang sa interpretasyon ang naging pahayag ng Korte Suprema. Diretsahan na raw nitong sinabi na anumang anyo ng unprogrammed funds ay labag sa batas. Kaya para sa kanya, ang pagpirma at pag-apruba pa rin ng Pangulo ay hindi lamang simpleng pagkukulang—isa raw itong tahasang pagsuway.
Ang unprogrammed funds ay mga pondong walang kasiguraduhan kung saan kukunin, ngunit maaari pa ring gastusin kapag may “excess revenues” o bagong utang. Sa praktika, nagiging blank check ito para sa pamahalaan, isang mekanismong madaling abusuhin at mahirap bantayan.
Ang pagpasok ng unprogrammed funds sa 2026 national budget, sa kabila ng malinaw na desisyon ng Korte Suprema, ay naglalagay ng seryosong tanong sa direksyon ng pamahalaan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento