Umani ng atensyon ang pahayag ni Rep. Edgar Erice matapos niyang kuwestiyunin si Jesus Falcis tungkol sa tunay na layunin ng itinutulak na impeachment laban kay Sara Duterte.
“Ang galing talaga ng math natin sa pulitika. Kapag ₱500 milyon, galit na galit impeachment agad. Kapag trilyon na ang usapan, biglang nawawala ang calculator. Selective justice yata ’yan, hindi accountability.” -Rep. Edgar Erice
Diretsahan ang tanong ni Erice: Ano ba talaga ang pakay? Bakit umano nakatuon ang galit at atensyon sa ₱500 milyong confidential funds, samantalang may mas malalaking alegasyon ng katiwalian na umaabot sa trilyong piso sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Sa punto ni Erice, hindi raw maiiwasang mapansin ang tila selective outrage. Para sa kanya, kung tunay na laban sa katiwalian ang adhikain, dapat pare-pareho ang tapang at galit malaki man o maliit ang halaga.
Ang tanong ni Rep. Erice ay hindi lang para kay Atty. Falcis, ito ay tanong para sa buong sistema. Kung tunay na laban kontra katiwalian ang hangarin, dapat walang pinipiling halaga, walang pinipiling pangalan. Sapagkat sa mata ng taumbayan, hindi mahalaga kung milyon o trilyon ang mahalaga ay pare parehong panagutin ang may sala, hindi kung sino ang mas madaling target.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento