Advertisement

Responsive Advertisement

“KAYA NATIN YAN BASTA HUWAG TAYONG TITIGIL MAGBAYAD NG BUWIS” UTANG NG PILIPINAS, UMABOT NA SA P17.647 TRILYON

Miyerkules, Enero 7, 2026

 



Muling umabot sa panibagong all-time high ang utang ng Pilipinas matapos itong pumalo sa P17.647 trilyon noong Nobyembre 2025, ayon sa pinakahuling datos ng Bureau of the Treasury. Nalampasan nito ang naunang rekord na P17.56 trilyon na naitala lamang noong Hulyo 2025, patunay na patuloy ang paglobo ng pagkakautang ng pamahalaan.


Pinanindigan ni Ralph Recto, Executive Secretary, na hindi dapat ikabahala ang paglobo ng utang ng bansa. Ayon sa kanya, kayang-kaya umano itong bayaran basta’t magbabayad lamang ng tamang buwis ang mga Pilipino.


“Kahit P17.647 trilyon na ang utang, kaya natin yan basta huwag tayong titigil magbayad ng buwis. Kung nahihirapan kayo, ibig sabihin gumagana ang sistema. Sama-sama tayong maghigpit ng sinturon" -Ralph Recto


Sa madaling salita, hindi raw problema ang utang ang problema raw ay kung hindi nagbabayad ng buwis ang mamamayan.


Ang pag-akyat ng national debt sa P17.647 trilyon ay hindi na simpleng balita—isa na itong malinaw na babala. Maaaring kayang bayaran sa papel, pero sa aktwal na buhay, ramdam ng taumbayan ang bigat nito araw-araw. Habang nananatiling kampante ang pamahalaan, patuloy namang nagtitiis ang mga Pilipinong walang choice kundi magbayad. Sa huli, hindi lang kung kaya bang bayaran ang utang ang tanong kundi kung makatarungan pa ba ang paraan kung paano ito binabayaran.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento