Advertisement

Responsive Advertisement

"ITO NA ANG PINAKAMALINIS NA NATIONAL BUDGET SA KASAYSAYAN" SEN. TITO SOTTO PINASALAMATAN SI PANGULONG MARCOS SA PAGPASA NG P6.793 TRILLION NATIONAL BUDGET

Martes, Enero 6, 2026

 



Matapang at diretso ang pahayag ni Senate President Tito Sotto, matapos niyang igiit na ang P6.793 trilyong 2026 National Budget ang “pinakamalinis at pinaka-transparent” sa buong kasaysayan ng Pilipinas. Ayon sa kanya, ito ay bunga ng seryosong reporma sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


“Ito ang pinakamalinis na national budget sa kasaysayan ng Pilipinas. Pinuri ko si Pangulong Marcos dahil sa higpit ng pag-aaral at katapatan ng proseso" -Senate President Tito Sotto


Sa gitna ng mga batikos at isyu ng korapsyon na kumakalat sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, mariing sinabi ni Tito Toto na kabaligtaran ang ipinakita ng MalacaƱang sa pagbuo ng 2026 budget: mahigpit na pagsusuri, walang palusot, at walang tinagong pondo.


Tinawag niyang “historic” ang budget dahil ito raw ang unang pambansang pondo na tahasang tumutugon sa pinaka-kritikal na pangangailangan ng mga Pilipino, edukasyon, agrikultura, kalusugan, at social services. Ito raw ang pundasyon ng mas inklusibong pag-unlad kung saan ang ordinaryong mamamayan ang tunay na nakikinabang.


Sa kabila ng mga kontrobersiya sa gobyerno, malinaw ang mensahe ni Senate President Sotto na hindi lahat ay marumi, at hindi lahat ay bulok. Para sa kanya, napatunayan ng administrasyon ni Pangulong Marcos na kaya pa ring gumawa ng malinis, transparent, at makataong budget, isang pambihirang hakbang na nagbibigay pag-asa na ang pondo ng bayan ay tunay na para sa bayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento