Nagpakawala ng mabigat at diretsahang hamon si Atty. Harry Topacio kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay ng kontrobersyal na flood control scandal, isang isyu na patuloy na bumabalot sa administrasyon at hindi pa rin nabibigyan ng malinaw na sagot.
“Sir, kung hindi ikaw ang mastermind, sino? Setyembre last year pa ang imbestigasyon pero hanggang ngayon, wala pa ring lumalabas na pangalan. Kung tunay na gusto ng administrasyon ang katotohanan, ilabas nila ang resulta hindi ang puro pangako.”
Sa isang matapang na pahayag, tinuligsa ni Topacio ang tila walang katapusang pagbanggit ng Pangulo sa imbestigasyon ngunit walang naipapakitang resulta, lalo na pagdating sa pagtukoy kung sino ang mastermind sa nasabing anomalya.
Ito ang tahasang tanong ni Atty. Topacio sa Pangulo—isang tanong na ayon sa kanya, hindi lang siya kundi buong sambayanan ang gustong marinig ang sagot.
Giit niya, kung hindi sangkot si PBBM at kung siya mismo ang nag-utos ng imbestigasyon, bakit tila umitid ang takbo ng proseso? Bakit parang walang direksyon? At higit sa lahat, bakit wala ni isang pangalan na inilalabas ang Malacañang?
Ang hamon ni Atty. Harry Topacio kay Pangulong Marcos ay malinaw, matapang, at diretso: kung walang tinatago ang administrasyon, dapat nitong ilabas ang katotohanan. Hindi na sapat ang salitang “iniimbestigahan.” Hindi sapat ang pangakong “may mananagot.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento