Advertisement

Responsive Advertisement

“INIINSULTO NG ADMINISTRASYON ANG TALINO NG MGA PILIPINO” ATTY. TOPACIO BINATIKOS ANG UMANO’Y PANLILINLANG NG MARCOS ADMINISTRATION

Lunes, Enero 26, 2026

 



Hindi na nagpaligoy-ligoy si Ferdinand Topacio sa kanyang pahayag laban sa administrasyon ni Ferdinand Marcos Jr.. Ayon sa kanya, malinaw umanong iniinsulto ng administrasyon ang talino ng mga Pilipino, sa paniniwalang hindi raw mapapansin ng publiko ang mga galaw sa likod ng isinusulong na impeachment.


“Tingin ba nila na hindi namin mahahalata? akala yata nila hindi kami marunong. Abogado nila ang nag-file ng impeachment laban sa kanila, tapos iisipin nilang papalakpak ang publiko?”


Giit ni Topacio, hindi raw simpleng kaso ang inihain laban kay Pangulong Marcos dahil obvious umano na ang nag-file ng impeachment ay abogado mismo na may koneksyon sa pamilya ng Pangulo, partikular sa kampo ni Liza Marcos.


Sa pananaw ni Topacio, dito nagsisimula ang problema. Kung ang layunin ng impeachment ay linisin ang gobyerno at panagutin ang may sala, bakit abogado ng first lady ang nasa likod ng kaso? Para sa kanya, nagmumukha raw itong kontroladong palabas, imbes na tunay na proseso ng pananagutan.


Dito lalong uminit ang pahayag ni Topacio. Ayon sa kanya, ang mas nakakainsulto raw ay ang paniniwala ng administrasyon na madaling malinlang ang taumbayan. Sa panahon ng social media at malayang talakayan, mabilis daw makita ng publiko ang mga koneksyon at galaw sa likod ng eksena.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento