Advertisement

Responsive Advertisement

"SA PAGIMBESTIGA NILA KAY SANDRO MARCOS, SA TINGIN NIYO BA PAPAYAG ANG PAPA HUKAYIN ’YAN HANGGANG DULO?" JING PARAS HINDI NANINIWALA INDEPENDENT ANG ICI

Lunes, Enero 26, 2026

 



Hindi naniniwala si dating congressman Jacinto "Jing" Paras na tunay na independent ang Independent Commission of Infrastructure (ICI). Para sa dating mambabatas, malinaw raw ang problema: kung ang Pangulo pa rin ang may final say, paano magiging malaya ang isang komisyong dapat ay nagbabantay at nag-iimbestiga?


“Sa pagimbestiga nila kay Cong. Sandro Marcos, sa tingin n’yo ba papayag ang Papa na hukayin ’yan hanggang dulo? Independent daw ang ICI, pero ang Pangulo ang may final say. Tapos ang reports, rerebyuhin ng mga tao niya. Independent saan banda?”


Partikular na binanggit ni Paras ang senaryo kung sakaling imbestigahan si Cong. Sandro Marcos ng ICI. Ayon sa kanya, mahirap paniwalaan na pahihintulutan ng Ferdinand Marcos Jr. na lumalim ang imbestigasyon kung sarili niyang anak ang sangkot.


Para kay Paras, hindi ito personal na atake kundi praktikal na tanong tungkol sa kapangyarihan at impluwensiya. Ang pagdududa ni Jing Paras sa pagiging independent ng ICI ay hindi lang tungkol sa isang komisyon, kundi tungkol sa istruktura ng pananagutan sa gobyerno.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento