Nagbigay ng paalala ang mga doktor kay Ferdinand Marcos Jr. na maghinay-hinay muna sa trabaho at bigyang-halaga ang pahinga. Ayon sa mga ulat, nanatiling limitado sa private meetings ang mga aktibidad ng Pangulo nitong Martes, ilang araw matapos siyang isailalim sa hospital observation dahil sa naramdamang stomach discomfort.
Bagama’t iginiit ng Malacañang na nasa “good condition” ang Pangulo, malinaw ang mensahe ng mga eksperto: hindi sapat ang pakiramdam lang na okay, kailangan ng sapat na pahinga.
Ayon sa Malacañang, ang desisyong bawasan ang aktibidad ng Pangulo ay bahagi ng pag-iingat upang matiyak ang tuloy-tuloy na paggaling. Sa kabila ng pagiging hands-on ng Pangulo sa pamamahala, pinapaalala ng mga doktor na ang sobrang trabaho ay maaaring magpalala ng kondisyon, lalo na kapag hindi nabibigyan ng oras ang katawan para makabawi.
Habang sinasabi ng Malacañang na nasa mabuting kalagayan si Pangulong Marcos, malinaw ang payo ng mga doktor, maghinay-hinay at magpahinga

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento