Advertisement

Responsive Advertisement

"AKALA KO YUNG TINULUNGAN KO SIYA, AAYUSIN NIYA ANG KORAPSYON. HINDI E NILAMPASAN PA" CHAVIT SINGSON HINDI NAKAPAGPIGIL KAY PANGULONG MARCOS

Martes, Enero 27, 2026

 



Hindi na napigilan ni Chavit Singson ang kanyang galit at pagkadismaya laban kay Ferdinand Marcos Jr.. Sa kanyang matapang na pahayag, inilarawan niya ang umano’y laganap na korapsyon sa kasalukuyang administrasyon bilang pang–Guinness Book of Records, at mas masahol pa raw kumpara sa panahon ng ama ng Pangulo.


“Akala ko pag tinulungan kitang manalo, aayusin mo ang korapsyon. Hindi pala nilampasan mo pa. Pang-Guinness Book na ’yan. Mas masahol pa sa tatay mo.” -Chavit Singson 


Ayon kay Singson, naniwala siyang aayusin ni Marcos Jr. ang problema ng korapsyon sa bansa. Inakala niyang ang karanasan ng pamilya Marcos sa nakaraan ay magsisilbing aral upang hindi na maulit ang parehong pagkakamali. 


Ang paghahambing ni Singson sa ama at anak ay isa sa pinakamabigat na bahagi ng kanyang pahayag. Para sa kanya, kung ang nakaraan ay naging simbolo ng korapsyon, mas malala raw ang kasalukuyan, dahil tila wala nang takot o hiya sa paglustay ng pondo ng bayan.


Ang pagsabog ng galit ni dating Gobernador Chavit Singson ay hindi lamang simpleng patutsada, ito ay sigaw ng pagkabigo ng isang dating kaalyado

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento