Ayon kay Rep. Edgar Erice, hindi ang mga impeachment complaint laban kay Ferdinand Marcos Jr. ang may pinakamalaking epekto sa ekonomiya, kundi ang isyu ng korapsyon sa flood control projects. Para kay Erice, mas yumanig sa tiwala ng mga mamumuhunan ang mga ulat ng iregularidad kaysa sa mismong paghahain ng reklamo.
“Kung mapapatunayan ng Pangulo na wala siyang kinalaman sa pinakamalaking korapsyon sa kasaysayan ’yung trilyon-trilyong piso aba, mas gaganda pa ang ekonomiya. Investors love clarity." -Rep. Edgar Erice
Giit niya, kung mapapatunayan ng Pangulo na wala siyang kinalaman sa mga alegasyong umaabot umano sa trilyong piso, mas magiging positibo ang dating nito sa ekonomiya at imahe ng bansa.
Binanggit ni Erice na ang korapsyon sa flood control ay nagpabagal sa government procurement. Dahil dito, naantala ang mga proyekto, nagkaroon ng pag-aalinlangan ang mga kontratista, at nayanig ang investor confidence sa iba’t ibang sektor, isang epekto na mas konkreto at mas ramdam kaysa sa ingay ng pulitika.
Binigyang-diin ni Erice na tiwala ang salitang susi. Kapag malinaw ang direksyon, mabilis ang aksyon, at patas ang pananagutan, bumabalik ang kapital. Kapag may alinlangan sa integridad ng mga proyekto lalo na sa malalaking imprastraktura umaalis ang puhunan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento