Advertisement

Responsive Advertisement

"KUNG NABIBILI KO ANG PEKENG GAMOT SA KALSADA, EITHER INUTIL O TAMAD KA SA PUWESTO " SEN. RAFFY TULFO NANAWAGAN SA PAGBITIW NG FDA DIRECTOR

Martes, Enero 27, 2026


 



Hindi na nagpaligoy-ligoy si Sen. Raffy Tulfo nang manawagan siya ng pagbibitiw sa puwesto ni Paolo Teston, Director General ng Food and Drug Administration (FDA). Sa pagdinig sa Senado, ipinakita ni Tulfo ang mga pekeng gamot na kanyang personal na binili sa Binondo at Quiapo patunay umano ng kabiguan ng ahensya na bantayan ang merkado.


“Kung nabibili ko ang pekeng gamot sa kalsada, ibig sabihin may hindi gumagalaw. Either inutil o tamad ka sa puwesto. Kapag kalusugan ng tao ang usapan, walang puwang ang palusot.” -Sen. Raffy Tulfo 


Hindi simpleng isyu ng illegal trade ang pekeng gamot. Ayon sa senador, direkta itong naglalagay sa panganib sa kalusugan at buhay ng mamamayan lalo na ng mahihirap na umaasa sa murang gamot. Kapag mali ang dosage, peke ang sangkap, o walang bisa ang iniinom, maaaring lumala ang sakit o humantong sa kamatayan.


Ibinato ni Tulfo ang isyu sa regulatory oversight: kulang ba sa inspeksyon, kulang sa enforcement, o may koordinasyong hindi gumagana? Para sa kanya, anuman ang dahilan, may pananagutan ang pamunuan. Ang FDA, aniya, ay hindi pwedeng magturo lang ng kakulangan sa pondo o tauhan kung ang resulta ay patuloy na pagkalat ng pekeng gamot.


Giit ni Tulfo, hindi sapat ang pangakong aayusin. Kailangan ng agarang aksyon: mas mahigpit na operasyon laban sa illegal sellers, mas malinaw na chain-of-custody sa inspeksyon, at pananagutan sa liderato kapag pumalya ang sistema.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento