Ayon sa MalacaƱang, makasasama umano sa ekonomiya ng bansa ang paghahain ng impeachment complaint laban kay Ferdinand Marcos Jr.. Giit ng Palasyo, ang ganitong hakbang ay nagpapadala ng negatibong mensahe hindi lamang sa lokal na publiko kundi pati na rin sa mga dayuhang bansa at mamumuhunan.
“Kapag may impeachment, takot ang investors. Kaya imbes na managot ang lider, suportahan na lang natin siya para happy ang ekonomiya" -Atty. Claire Castro
Ipinaliwanag ni Atty. Claire Castro, Undersecretary ng Presidential Communications Office (PCO), na ang impeachment laban sa isang nakaupong Pangulo ay nakaaapekto sa tiwala ng international community. Para sa kanya, ang ganitong mga isyu ay maaaring magdulot ng pangamba sa mga investors at magpabagal sa daloy ng negosyo at ekonomiya.
Dagdag pa niya, imbes na ituon ang pansin sa impeachment, mas makabubuting suportahan na lamang ang Pangulo upang magpatuloy ang mga programa ng pamahalaan.
Ang babala ng MalacaƱang na makasasama sa ekonomiya ang impeachment laban kay Pangulong Marcos ay nagbukas ng mas malalim na diskusyon tungkol sa priyoridad ng pamahalaan. Kung ang impeachment ay itinuturing na panganib sa imahe ng bansa,

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento