Advertisement

Responsive Advertisement

“GINAWA AKONG PUNCHING BAG NG ADMINISTRASYON ITO PARA PAGTAKPAN ANG MGA KATIWALIAN” VP SARA DUTERTE MENSAHENG DIREKTA SA MARCOS ADMINISTRATION

Martes, Enero 27, 2026

 



Naglabas ng matapang na pahayag si Sara Duterte na malinaw ang tinutukoy: ayon sa kanya, ginagamit siya bilang “punching bag” ng kasalukuyang pamahalaan upang mailihis ang atensyon ng publiko mula sa mga isyung kinakaharap ng gobyerno.


“Ginawgawa akong punching bag para mapagtakpan nila ang ginagawa nilang katiwalin. Habang ako ang binabanatan para hindi mapansin ng tao ang kalokohan, korapsyon, at katiwalian nila." - VP Sara


Para kay Duterte, ang sunod-sunod na pag-atake laban sa kanya ay hindi aksidente, kundi istratehiya upang hindi mapansin, makita, at marinig ng taumbayan ang umano’y kalokohan, korapsyon, at katiwalian na nagaganap sa loob ng pamahalaan sa ilalim ng Marcos administration.


Giit ni VP Sara, habang siya ang nasa sentro ng batikos at isyu, nawawala sa spotlight ang mas malalaking problema mga alegasyong, ayon sa kanya, ay mas dapat pagtuunan ng pansin ng publiko at ng mga institusyon ng gobyerno.


Sa kabila ng mga akusasyon at ingay, nananatiling matatag ang paninindigan ni Duterte. Ayon sa kanya, alam ng taumbayan sa kanilang puso ang katotohanan na wala siyang kasalanan at ang mga paratang ay bahagi lamang ng mas malawak na larong pulitikal.


Ipinunto ni Duterte na ang pulitika ay pansamantala, ngunit ang katotohanan ay hindi maaaring itago habambuhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento