Mariing sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio na ang administrasyon ni Ferdinand Marcos Jr. ay nasa panic mode. Ayon sa kanya, kapag ikaw ay nagiging kritiko ng Pangulo, sunod-sunod umano ang kasong isinasampa mula libel hanggang sedition, at ngayon ay inciting to sedition pa.
“Kapag pumuna ka, bigla kang libelous. Kapag nagtanong ka, seditious. Kapag tumuloy ka, inciting to sedition. Pag-gising mo sa bukas may kaso kana. Kung ’yan ang sagot sa kritisismo, malinaw panic mode ’yan. These are dangerous times.” -Atty. Ferdinand Topacio
Ikinuwento ni Topacio na may panibagong kaso siyang kinakaharap inciting to sedition na aniya’y patunay ng pagkipot ng espasyo para sa malayang pagpapahayag. Sa kanyang pananaw, kapag ang pamahalaan ay madaling ma-offend at mabilis magdemanda, hindi iyon lakas—takot iyon.
Ayon kay Topacio, delikado kapag ang mga salitang legal ay nagiging pangtakot. Kapag ang pagbatikos ay awtomatikong tinatatakan ng kriminal na intensyon, napuputol ang diskurso at nauuna ang pananahimik.
Ipinunto ni Topacio na ang matibay na pamahalaan ay hindi takot sa tanong. Kayang sumagot, kayang magpaliwanag, at kayang tumanggap ng puna. Kapag kaso ang default response, aniya, lumalabo ang hangganan ng demokrasya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento