Advertisement

Responsive Advertisement

"BAKA KAILANGAN NA NATING IPAALALA NA MAY HANGGANAN ANG PAGIGING BISITA" SEN. TITO SOTTO ISUSULONG ANG PERSONA NON GRATA LABAN SA CHINESE EMBASSADOR

Miyerkules, Enero 28, 2026

 



Iminungkahi ni Sen. Tito Sotto na pag-aralan ang posibilidad ng pagdedeklara ng persona non grata laban kay Guo Wei, Deputy Spokesperson ng Chinese Embassy sa Pilipinas.


“Kung araw-araw na lang may lecture mula sa isang dayuhang opisyal tungkol sa pulitika natin, baka kailangan na nating ipaalala na may hangganan ang pagiging bisita.” -Sen. Tito Sotto 


Inilahad ito ni Sotto sa sesyon ng Senate of the Philippines nitong Martes, Enero 27, kasunod ng panibagong isyu kaugnay ng mga social media posts ni Guo Wei na tumutuligsa umano sa mga opisyal ng bansa.


Ang mungkahi ni Sotto ay bunsod ng muling pagpuna ni Sen. Risa Hontiveros sa mga post ni Guo Wei na may kaugnayan sa resolusyong pinirmahan ng 15 senador noong Lunes, Enero 26.


Para kay Sotto, mahalagang pag-aralan ang hakbang na ito upang ipakita na may hangganan ang pakikialam ng dayuhang opisyal, lalo na kapag nagiging lantaran na ang kritisismo sa mga institusyon ng bansa.


Ang panukala ni Sotto ay hindi lang tungkol kay Guo Wei, kundi tungkol sa paggalang sa soberanya. Sa pananaw ng Senado, ang Pilipinas ay may karapatang magtakda kung alin ang katanggap-tanggap na asal ng mga dayuhang kinatawan sa loob ng bansa.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento