Naglabas ng taos-pusong pasasalamat si Dating Speaker Martin Romualdez sa patuloy na suporta ng Marcos loyalists, lalo na ngayong kaliwa’t kanan ang batikos at alegasyon laban sa kanya kaugnay ng kontrobersyal na flood control scandal. Ayon sa dating speaker, sa gitna ng gulo at akusasyon, ang hindi matinag na paniniwala ng mga loyalist sa kanyang pagiging inosente ang nagsisilbing lakas at inspirasyon niya upang harapin ang bawat hamon.
“Ramdam ko ang init ng suporta ninyo. Maraming salamat sa paniniwala na wala akong nilabag na batas. Hindi ko kayo bibiguin.” - Dating Speaker Martin Romualdez
Ibinahagi ni Romualdez na ramdam na ramdam niya ang solidong suporta ng mga loyalist mula Luzon hanggang Mindanao. Sa mga mensaheng natatanggap niya araw-araw mula social media hanggang personal na pakikipagkita nakikita raw niya kung gaano kalaki ang tiwalang ibinibigay sa kanya.
Sa gitna ng mga pagdududa, alegasyon, at politikal na bangayan, malinaw na hindi nag-iisa si Dating Speaker Martin Romualdez. Ang matibay na suporta ng Marcos loyalists ay nagpapakita na may malaking bahagi ng publiko ang naniniwala sa kanyang integridad at katapatan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento