Matapang na idineklara ni Ombudsman Crispin Remulla na oras na para tapusin at tuldukan ang lahat ng uri ng korapsyon na patuloy na nagpapahina sa tiwala ng publiko at sumisira sa pangalan ng Marcos Administration. Ayon sa kanya, hindi na maaaring palagpasin ang mga anomalya at katiwaliang kumakalat sa iba’t ibang ahensya sapagkat ang pinakamalaking biktima nito ay ang mamamayang Pilipino.
“Panahon na para tapusin ang korapsyon na sumisira sa administrasyon. Hindi ko sasayangin ang tiwala ni Pangulong Marcos. Gagawin ko ang tungkulin ko, walang takot, walang kinikilingan, at para sa kapakanan ng taumbayan.” - Ombudsman Crispin Remulla
Inihayag ni Remulla na sineseryoso niya ang responsibilidad na iniatang sa kanya ng Pangulo, at hindi niya hahayaang masayang ang tiwala at kumpiyansa na ibinigay sa kanya. Aniya, hindi siya papayag na maging dekorasyon lamang sa gobyerno, gagalaw siya, kikilos, at mag-iimbestiga nang walang kinikilingan.
Hindi umano biro ang pinsalang idinudulot ng korapsyon, lalo pa’t ang iba ay ginagamit ang pangalan ng Marcos Administration para sa pansariling interes. Kaya’t sinabi niyang ito na ang panahon ng pananagutan. Binigyang-diin niya na hindi niya protektahan ang sinuman, kahit gaano pa kataas ang posisyon, kung mapapatunayang sangkot sa katiwalian.
Ang pahayag ni Ombudsman Remulla ay malinaw na mensahe sa buong gobyerno na tapos na ang panahon ng palusot at katiwalian.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento