Advertisement

Responsive Advertisement

“HINDI MAHINA ANG ATING PANGULO, SADYANG LAGANAP LANG ANG KORAPSYON NGAYON” HOUSE MAJORITY LEADER SANDRO MARCOS DINEPENSAHAN ANG AMA

Linggo, Disyembre 14, 2025

 



Matapang na dinepensahan ni House Majority Leader Sandro Marcos ang kanyang ama, si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., laban sa mga batikos na tinatawag itong “weak leader.” Sa harap ng mainit na usapan tungkol sa paghina ng halaga ng piso, iginiit ni Sandro na hindi ang liderato ng Pangulo ang problema, kundi ang laganap na korapsyon sa iba’t ibang bahagi ng pamahalaan na patuloy na nagpapahirap sa ekonomiya.


“Hindi weak leader ang tatay ko. Mahina ang piso dahil malakas ang korapsyon. Kapag natigil ‘yan, aangat ang ekonomiya at mas uunlad ang bansa.” - House Majority Leader Sandro Marcos


Ayon kay Sandro, mali at mababaw ang pagtinging ibinabato sa Pangulo. Hindi raw patas na si Marcos Jr. kaagad ang sisihin sa bawat galaw ng piso lalo’t ang tunay na ugat, ayon sa kanya, ay ang malalim at matagal nang problema ng katiwalian na minana pa ng bansa mula sa mga nagdaang administrasyon.


Dagdag pa niya, mas nakababawas ng kumpiyansa ng investor, nagpapataas ng presyo ng bilihin, at nagpapabagal sa pag-unlad ang mga opisyal na nagsasamantala sa pondo ng bayan. At habang patuloy itong umiiral, natural umanong nadadamay ang halaga ng pera at performance ng ekonomiya.


Sa gitna ng patuloy na paghina ng piso at pagtaas ng presyo ng bilihin, pinili ni Sandro Marcos na banggain ang mga kritiko sa pamamagitan ng pagdiin na hindi pamumuno ng Pangulo ang dapat sisihin, kundi ang matagal nang sakit ng bansa ang korapsyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento