Nagliyab ang social media matapos maglabas ng matapang at kontrobersyal na pahayag si Presidential Adviser for Poverty Alleviation Larry Gadon laban kay Vice President Sara Duterte. Sa kanyang tirada, iginiit ni Gadon na dapat mag-resign si VP Sara dahil umano sa kawalan nito ng kakayahan sa pamumuno.
“Sara, resign. Dapat ka nang magbitiw dahil wala kang naipakikitang malinaw na direksiyon sa pamumuno. Wala ng tiwala ang publiko sayo, napakababaw ng utak mo. Hindi ka handa para sa trabahong ito.” -Larry Gadon
Sa kanyang video statement, hindi nagpakita ng pag-aalinlangan si Gadon habang diretsahang binabatikos ang Bise Presidente. Ayon sa kanya, hindi raw sapat ang ginagawa nito sa mga isyu ng bansa at hindi umano karapat-dapat manatili sa posisyon.
Binigyang-diin ni Gadon na “walang makabuluhang kontribusyon” si VP Sara at mas makakabuti para sa Pilipinas kung kusang-bibitiw ito sa tungkulin. Ang kaniyang mga salita ay mabilis na nag-viral dahil sa pagiging mabigat, prangka, at lubhang nakakasakit, isang bagay na umani ng batikos mula sa mga tagasuporta ng Bise Presidente at ilang opisyal ng gobyerno.
Malinaw na ang pahayag ni Larry Gadon ay nagdagdag ng apoy sa umiinit na tensyon sa pagitan ng administrasyon at ng kampo ni VP Sara Duterte. Habang may sumasang-ayon sa kanya, marami rin ang kumondena sa mabibigat na salitang binitawan niya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento